20

Oct 26, 2021 @ 11:19
By

Mga 12 anyos pababa ekis na sa dolomite beach – DENR

Hindi na pahihintulutang pumasok sa Manila Bay dolomite beach ang mga bata may edad 12 anyos pababa ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayong Martes.

Anang ahensya, epektibo na ang direktiba simula ngayong araw.

“Children age 12 and below will not be allowed entry to the Manila Baywalk Dolomite Beach starting today, Oct. 26, with respect to the guidelines of IATF,” saad nila sa isang pahayag.

Bukod dito, sinabi rin ng DENR na ikakandado nila ang dolomite beach mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 para magbigay-daan sa Undas. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?