12

May 4, 2021 @ 15:32
By

Mexico subway train bumagsak, 15 todas

Patay ang aabot sa 15 katao sa nangyaring pagguho ng overpass na tinutungtungan ng subway train sa Mexico City.

Ayon sa Secretariat of Risk Management and Civil Protection ng Mexico, bumibiyahe ang trend sa bagong Line 12 nang biglang bumigay ang overpass kung saan naroon ang tren.

Makikita sa CCTV footage ang nangyaring pagbagsak ng tren sa isang kalsada na dinadaanan ng mga sasakyan.


Bukod sa mga namatay, tinatayang 70 katao din ang nasugatan sa nasabing insidente.

“Firefighters, public safety personnel are working. Various hospitals are serving. We will give more information shortly,” ayon kay Mexico City Mayor Claudia Sheinbaum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?