101

By

Metrobank robbery: Helmet, face mask ibabawal sa mga bangko

Matapos ang nangyaring pagnanakaw sa isang bangko sa Maynila, maglalabas ang city government ng ordinansa na nagbabawal ng pagsusuot ng helmet, face mask o anumang facial cover sa mga papasok sa financial establishments, ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Magugunitang noong Huwebes ng umaga nang looban ng limang kalalakihan ang Sto. Cristo branch ng Metrobank sa Binondo na nakunan ng CCTV camera.

Sa kabila nito, nahirapan ang mga awtoridad na makilala ang mga suspek sa panloloob dahil nakasuot ang dalawa sa mga ito ng makapal na helmet na sinundan ng tatlong lalaki na naka-baseball caps naman.

“Lahat ng papasok sa financial institution… para mapabilis ang identification ng mga possible criminals, ipagbabawal namin anything that will cover facial recognition or identity ng mga tao,” saad ni Moreno.

Samantala, nasa proseso pa umano ang ginagawang imbestigasyon sa pagkuha sa mga pahayag ng mga witness o mga indibiduwal na nasa loob noon ng crime scene.

Tinitingnan na ang anggulong inside job sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?