14

Aug 19, 2021 @ 14:50
By

Metro Manila uulanin dahil sa easterlies – PAGASA

Inaasahang magiging maulan at makulimlim ang mga susunod na araw sa Metro Manila at buong bansa ayon sa PAGASA.

Ayon sa kanilang weather forecast nitong Miyerkoles, dala ito ng hangin mula Pacific Ocean na kung tawagin ay “Easterlies.”

Kaugnay nito, binalaan ng ahensya ang publiko sa maaaring flashfloods at landslides kung sakaling lumala ang ulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?