93

Feb 27, 2019 @ 13:43
By

Metro Manila Subway project sisimulan na!

Paparating na ang kauna-unahang subway sa Pilipinas, ang Metro Manila Subway!

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), magkakaroon ito ng 15 na istasyon mula Quirino Highway hanggang NAIA Terminal 3 at FTI.

Nasa 370,000 na pasahero umano ang kayang serbisyuhan nito araw-araw.

Sa taong 2022, magiging partially operable na umano ang unang tatlong istasyon ng subway sa Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue.

Inaasahan naman ang full operation nito sa 2025.

Ngayong Pebrero 27 ay kinumpirma ng DOTr na sisimulan na ang groundbreaking nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?