2,907
Metro Manila Subway katibayan na ‘di lang puro salita ang Duterte admin – Pimentel
By

Metro Manila Subway katibayan na ‘di lang puro salita ang Duterte admin – Pimentel

Patunay umano ang isinagawang groundbreaking kamakailan ng Metro Manila Subway sa Valenzuela City na “totoong proyekto at hindi lang puro plano” ang administrasyong Duterte.

Ayon kay reelectionist Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, ang naturang proyekto umano ang klase ng “Duterte governance”.

“For years there has been talk about building more train systems in Metro Manila to provide its residents with a fast and efficient way to get around the metropolis, as we know that many NCR residents spend two, sometimes three hours in traffic just to get to work. Pero walang nangyayari,” ani Pimentel.

Ang problema umano sa trapiko ang dahilan kaya nakatutok ang administrasyon sa Build, Build, Build program para sa mas mabilis at maaasahang transportation system sa bansa.

Simple rin umano ang pilosopiya ng administrasyon at ito ay ang “gawa, hindi lang ngawa; trabaho, hindi puro plano”.

Magkakaroon ng 15 na istasyon ang kauna-unahang subway sa Pilipinas mula Quirino Highway sa Quezon City hanggang NAIA Terminal 3 sa Pasay at FTI sa Taguig.

Tatakbo umano ito sa bilis na 80 kilometro kada oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?