44

Jan 14, 2021 @ 19:04
By

Metro Manila Skyway 3 binuksan na

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project na inaasahang magpapabilis sa biyahe ng mahigit limampung libong motorista kada araw.

Ang MMSS3 project ay isang elevated. Expressway mula Buendia sa Makati City hanggang sa North Luzon Expressway sa Balintawak, Quezon City.

Ang proyekto ay 18.83 kilometers at mag-uugnay sa NLEX at South Luzon Expressway (SLEX) na mangangahulugan ng kabawasan ng 55,00O na mga motorista sa traffic sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, ang dating dalawang oras na biyahe mula Makati hanggang Balintawak sa Quezon City ay magiging 15-2o minutos na lamang.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang DPWH, CITRA, at San Miguel dahil sa tiwalang ibinigay sa administrasyon sa pamamagitan ng Build, Build,Build program.

“To our private sector partners CITRA and San Miguel,let me thank ypu for your trust in this administration. Your investment has finally paid off, and the skyway shall serve as an enduring edifice of the legacy that we will leave behind for future generations of Filipinos,” anang Pangulo.

Sa pagtatapos ng talumpati ng Pangulo ay kinantahan nito ng “happy birthday” si Mr. Ramon Ang na nataon ang kaarawan sa inagurasyon ng proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?