50

Apr 2, 2020 @ 23:55
By

Metro Manila sentro ng coronavirus crisis sa ‘Pinas – Galvez

Hinayag ni Peace Adviser at Chief Implementer of National Task Force COVID-19 Secretary Carlito Galvez na nananatiling sa Metro Manila ang pinakamatinding tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa kanyang unang press conference sa Camp Aguinaldo, sinabi nitong sa 2,633 kaso sa buong bansa, may 1,511 kaso ng COVID-19 ang nasa National Capital Region (NCR). Sa bilang na ito, 439 kaso ang mula sa Quezon City, sa Maynila naman ay 180 kaso, habang sa Makati ay 144 kaso, at sa San Juan ay 119 na kaso.

Ikalawang rehiyon na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ay ang Calabarzon na may 178 kaso na sinundan ng Central Luzon na may 65 kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?