20
oscar-albayalde-001
Oct 15, 2017 @ 16:47

Metro Manila police alerto sa tigil-pasada

Pinaghahanda ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde ang limang police district directors sa lahat ng posibleng mangyari sa transport strike bukas.

Sa direktiba ni Albayalde, sinabi nito na dapat makipag-ugnayan ang lahat ng kanilang station commanders sa nakakasakop sa kanilang lokal na pamahalaan para sa pagsasagawa ng libreng sakay.

Iniutos din niya ang paglalagay ng mga police assistance desk sa mga transport terminal.

Bukod dito, mahigpit ding pinababantayan ang mga terminal para maiwasan ang pananakot sa mga bumibiyaheng jeepney drivers ng mga hindi papasada nilang kasamahan.

Sinabi pa ni Albayalde na mag-iikot siya sa mga bahagi ng Metro Manila na lubhang maaapektuhan ng transport strike para personal na pangasiwaan ang pagbibigay-seguridad ng kanyang mga tauhan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?