30

Jan 5, 2022 @ 13:26
By

Metro Manila nasa ‘critical risk’ sa Covid 19 — DOH

Inilagay na sa “critical risk” ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagdami ng mga bagong kasong nahawaan ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, ang rehiyon ay nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na nasa 1,475 porsyentong two-week growth rate, at ang average daily attack rate (ADAR) naman ay tumaas din sa 8.79.

Aniya, ito ang pinakamataas na risk classification na naitala.

“Ang pinakamalaking pagtaas ng kaso ay nakita sa NCR, nasa critical risk case, pinakamataas na risk classification,” ani Duque sa briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, isinailalim ang Region 4A sa “high risk” habang ang Region 3 naman ay nasa “moderate risk” classification.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?