26

Oct 13, 2021 @ 16:13
By

Metro Manila nananalo na vs Delta variant

Natatalo na ang Delta COVID variant sa Metro Manila batay sa mabilis na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Ito ang paniwala ni DR. Guido David ng OCTA Research batay na rin sa mga datos kung saan mabilis na bumaba ang kaso ng kontaminasyon sa National Capital Region.

Ayon kay David, patapos na ang kalbaryo ng mga taga-Metro Manila sa Delta variant na isang magandang indikasyon para makapagsimulang bumangon.

“Ang pananaw ko nananalo na tayo against Delta COVID variant , patapos na ang laban natin, kung baga nasa tail end. Yung sevan day average natin sa NCR nasa less than two thousand,” ani David.

Ito aniya ang pinaka-mababa simula noong buwan ng Hulyo ganggang Agosto a sais, bago mag-ECQ na ang ibig sabihin lamang ay naibalik na ang sutwasyon bago mag-ECQ.

Batay aniya sa pagtaya ng OCTA Research, bababa pa ang mga kaso bago magtapos ang Oktubre na posibleng wala na sa isang libo kada araw.

“Bababa pa ito before the end of October, pino-project natin less than one thousand cases per day na lang,” dagdag ni David.

Nakatulong aniya ang vaccination rollout laban sa COVID dahil bumabagsak na ang bilang ng mga nagkakasakit pero hindi dapat makapante kaya mahalaga pa ring gawin ang minimum public health standards lalo na sa mga malakihang pagtitipon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?