207

Feb 8, 2018 @ 9:18
By

Metro Manila nakaranas ng pinakamalamig na temperatura

Naitala noong Miyerkules ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong taon na umabot sa 20.5 degree celcius.

Ayon sa Pagasa alas 6:00 ng umaga kahapon nang maranasan ng mga residente ng Metro Manila ang 20.5 degree, mas malamig ito kumpara sa 21.5 degree celcius noong Martes.

Noong Disyembre 31,2017 ang pinakamalamig naman na naranasan noong 2017 na naitala sa 20 degree celsius.

Asahan pa umano ang malamig na panahon lalo na sa gabi hanggang madaling araw dahil na rin sa amihan.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang malamig na panahon hatid ng epekto ng hanging amihan ay patuloy na mararanasahan hanggang buwan ng Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?