57

May 4, 2020 @ 18:29
By

Metro Manila nakapagtala ng pinakamainit na panahon

Pumalo sa 36.5 degree Celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw, at ito ang pinakamainit na naitala ngayong taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang 36.5 degrees Celsius na naitala alas-3:45 ng hapon sa Science Garden monitoring station sa Quezon City ay may katumbas na 41.0 degrees Celsius heat index.

Noong Abril 24 ay nakapagtala ng 35.3 degree Celsius sa Metro Manila. Inaasahan ng PAGASA na tataas pa ang temperatura sa mga susunod na araw dahil ngayong buwan ng Mayo ang peak season ng panahon ng tag-init.

Sa talaan ng PAGASA, ang pinakamataas na heat index na naitala ngayong taon ay 58 degrees Celsius, naganap ito noong Abril 20 sa San Jose City, Occidental Mindoro.

Sa historical data ng PAGASA, ang pinakamataas na temperatura sa bansa ay naitala noong May 11, 1969 na umabot ng 42.2 degree Celsius.

Sa Metro Manila naman ay naganap noong May 14, 1987 kung saan umabot ang temperatura sa 38.5 degree Celsius.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na umiwas mabilad sa init ng araw lalo sa peak ng init sa pagitan ng alas-11:00 ng umaga hanggang alas alas-kuwatro ng hapon, palagian din uminom ng tubig at magsuot ng light colored na damit.

Ang heat index na 41 degree pataas ay maaaring magdulot ng heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?