18

Jan 14, 2022 @ 15:32
By

Metro Manila mananatiling nasa Alert Level 3 hanggang Enero 31

Mananatiling nasa ilalim ng Alert level 3 ang Metro Manila hanggang Enero 31 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon sa Palasyo nitong Biyernes.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na pumayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na panatilihin ang Alert Level 3 sa Metro Manila mula Enero 16 hanggang 31.

Ayon sa alituntunin ng IATF, ang mga edad 18 pababa at ang mga kabilang sa vulnerable population ay pahihintulutan ding makalabas upang bumili ng mga mahahalagang produkto.

Samantala, naitala ang 34,021 na bagong kaso ng Coronavirus nitong Huwebes sa bansa. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?