32

May 12, 2021 @ 10:04

Metro Manila inuga! Magnitude 5.8 tumama sa Occidental Mindoro

Naramdaman ang magnitude 5.8 na lindol sa dalampasigan ng Abra de Ilog sa Occidenta Mindoro nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol bandang alas-9:09 ng umaga.

May lalim ito na 110 kilometer, at tectonic ang origin.

Naramdaman din ang pag-uga sa ilang parte ng Metro Manila.

Wala namang inaasahang pinsala na maidulot ang naturang lindol, ngunit may posibilidad ng aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?