205

Nov 9, 2017 @ 10:23

Metro Manila, ilan pang lugar isinailalim sa signal no. 1

Ganap nang isang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Catarman, Northern Samar at pinangalanang ‘Salome’.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may dala itong panakanakang pag-ulan hanggang sa malakas na ulan.

Inaasahang babagtasin ng bagyong Salome ang karagatan ng Sibuyan ngayong araw.

Inilagay sa Tropical Cyclone Warning Signal No.1 ang ilang bahagi ng Bicol region, CALABARZON, pati na ang Metro Manila, at ang silangang bahagi ng Central Luzon.

Inaabisuhan naman ang mga residente na inilagay sa TCWS #1 na maging alerto sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Hindi rin ligtas ang pagbiyahe sa mga karagatang isinailalim sa warning signal dahil sa magiging maalong karagatan.

May dala itong 45 kph na lakas ng hangin at pagbugso na 80 kph.

Ang sentro ng bagyo ay sa bisinidad ng Mondragon, Northern Samar.

Inaasahang lalabas ng PAR si ‘Salome’, Sabado ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?