12

Jul 21, 2021 @ 17:48
By

Metro Manila ilagay uli sa ECQ – Pangilinan

Inihayag ni Senador Francis Pangilinan na kailangang ilagay uli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region o Metro Manila.

Ito ang mungkahi ni Pangilinan kaugnay sa dumaraming kaso ng Delta variant sa Pilipinas at upang maiwasan ang sinapit ng kapitbahay nitong Indonesia.

“Upang maiwasan ang sinapit ng Indonesia baka kailangan ng ECQ sa NCR. Pakinggan natin ang mga health expert,” sabi ni Pangilinan.

Sa ngayon, nasa 35 na kaso ng Delta variant na ang naitala sa Pilipinas kung saan walo ang aktibo.

Ayon sa epidemiologist na si Dicky Budiman ng Griffith University, ang Indonesia ang bagong sentro ng coronavirus sa Asya dahil sa pagkalat ng Delta variant at nilagpasan ang India.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?