43

By

Metro Manila, iba pang parte ng Luzon uulanin ng habagat

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang mga residente ng Metro Manila at ilan pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA nitong Sabado, pinalalakas pa rin ng southwest monsoon o habagat ang bagyong Hanna, na nag-landfall sa eastern China.

Inaasahan ang habagat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Samantala, magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol Region at MIMAROPA.

Maulap na kalangitan naman ang iiral sa Visayas at Mindanao na may localized thunderstorms sa gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?