98

Oct 31, 2020 @ 21:01

Metro Manila, iba pang lugar Signal No. 2 na

Inilagay na sa Tropical Cyclone Weather Signal No. 2 ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon habang napanatili ng bagyong Rolly ang lakas nito.

Sa 5PM weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sinabi nitong inilagay na sa Signal No. 2 ang Bulacan, Rizal, Metro Manila, Laguna, Cavite at Batangas.

Makararanas ang mga lugar na nasa Signal No. 2 ng lakas ng hangin na 61 kph hanggang 120 kph sa loob ng 24 oras.

Ang mga sumusunod pang lugar ang nasa Signal No. 2:

· Quezon

· Camarines Norte

· Iba pang parte ng Camarines Sur

· Sorsogon

· Masbate

· Marinduque

· Romblon

· Oriental Mindoro

· Occidental Mindoro

· Hilagang Samar

· Hilagang Eastern Samar

Nananatili naman ang Signal No. 3 sa Catanduanes, silangan ng Camarines Sur, at Albay.

Signal No. 1 naman sa Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pangasinan at La Union.

Gayundin ang silangan ng Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, central at southern portion ng Isabela, at Calamian Islands.

Kabilang din ang natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, hilaga ng Leyte, hilaga-kanluran ng Aklan, hilaga-kanluran ng Antique.

Inaasahang magla-landfall si “Rolly” Linggo ng hapon. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: