22

Jan 10, 2022 @ 14:46
By

Metro Manila hindi ilalagay sa Alert Level 4 — MMDA

Sa kabila nang patuloy na pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19, hindi isasailalim sa Alert Level 4 ang Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chair Benhur Abalos, ito ang napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila.

Nauna na rito, sinabi na rin ng Palasyo na hindi pa kailangan ideklara sa Alert Level 4 ang rehiyon.

“We are actively monitoring all of the metrics and parameters na dapat nating tingnan and even over and above that. As of the moment, hindi pa po siya tumatama doon sa tatlong metrics natin enough for it to declare Alert Level 4,” pahayag ni presidential spokesman Karlo Nograles sa ANC Headstart.

Dahil dito, mananatiling nasa Alert Level 3 ang bansa hanggang Enero 15.

Samantala, naitala na ang 28,707 na pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Enero 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?