17

Sep 6, 2021 @ 13:13
By

Metro Manila GCQ uli simula Miyerkoles

Muling iiral ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila simula Miyerkoles, Setyembre 8, ayon kay presidential spokesman Harry Roque.

Anunsyo niya, magtatapos ang quarantine classification sa Setyembre 30.

Ayon sa inisyal na ulat, inirekomenda rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na maging pilot area ang National Capital Region sa pagkasa ng mga granular lockdown.

Inaasahang ilalabas guidelines hinggil sa naturang localized lockdown sa Martes, Setyembre 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,