35

Sep 28, 2020 @ 23:49

Metro Manila, GCQ sa buong Oktubre

Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at lima pang lugar mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 31.

Ito ang inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque sa ‘Ulat sa Bayan’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi.
Maliban sa Metro Manila nasa ilalim din ng GCQ ang sumusunod: Batangas, Tacloban City, Iloilo City, Bacolod City at Iligan City.

Ang iba pang bahagi ng bansa ay MGCQ.

Nasa ilalim naman ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Lanao del Sur kabilang ang Marawi City mula October 1 hanggang October 31, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?