56

Mar 14, 2020 @ 20:43
By

Metro Manila curfew, wala pang approval ni Duterte

Naglabas ng pahayag ang Malacañang kaugnay sa ipatutupad na curfew sa Metro Manila dahil sa community quarantine na magsisimula sa Marso 15.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring magpatupad ng curfew ang bawat local government unit sa kanilang nasasakupan kapag may naipasang ordinansa.

Kaugnay naman sa rekomendasyon ng mga Metro Manila mayor na magpatupad ng curfew sa buong Metro Manila, sinabi ni Panelo, na kailangan pa itong aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“On the issue of curfew. The LGUs can impose curfew within their territories if an ordinance is passed imposing it. In the meantime, the Metro Manila Mayors’ recommendation to impose a curfew in Metro Manila is subject to the approval of the President. The President has yet to consider it,” pahayag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?