27

Jun 23, 2022 @ 10:06
By

Metro Manila, 13 lalawigan tatamaan ng LPA

Uulanin ang Metro Manila at ibang probinsya sa bansa dahil sa low pressure area (LPA) ayon sa PAGASA ngayong Huwebes.

Namataan ang LPA bandang alas-3:00 ng madaling araw sa layong 55 km. hilaga ng Borongan City, Estern Samar.

Ang Metro Manila, Mountain Province, Benguet, Pangasinan, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, Samar, Eastern Samar, Hilagang Samar, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin at may pag-ulan-pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA.

Posibleng bumaha o gumuho ang lupa dahil sa katamtamang o malakas na ulan.

Sumikat ang araw alas-5:29 ng umaga at lulubog ito ng alas-6:28 ng gabi.

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?