123

By

Methanol sa ‘killer lambanog’ parang hangover lang – FDA

Sharing is caring!

Hindi agad mararamdaman ang dahan-dahan pagsira ng methanol sa mga laman-loob ng tao.

Ito ang sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Dir. General Nela Charade Puno matapos sabihin na ang samples ng mga lambanog na ininom ng mga namatay sa Laguna ay positibo na may methanol.

Paliwanag ni Puno ang epekto ng methanol sa katawan ay katulad lang ng nararanasan na ‘hang over’ ng mga uminom ng alak.

Dagdag pa nito, 12 hanggang 24 oras muna ang maaring lumipas bago maramdaman na ang epekto ng methanol sa katawan tulad ng pagkasira ng mga ugat, atay at bato o kidney.

Samantala, ibinahagi din ni Puno na hindi naka-rehistro sa kanilang opisina ang mga lambanog na ininom ng mga nabiktima sa Calamba City at Sta. Rosa City sa Laguna.

Aniya maaring ‘home made’ ang mga nainom na lambanog, kayat hindi naalis ang methanol na taglay nito.

Bunga nito, nagpaalala si Puno sa publiko na maging mapanuri sa kanilang mga kinakain at iniinom lalo na ngayon Kapaskuhan na kaliwat-kanan ang mga selebrasyon.

Paalala niya ang mga produkto na dumaan at pumasa sa kanilang pagsusuri ay may food registration number na nakasulat sa mga label.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?