35

Oct 12, 2021 @ 15:25
By

Meteor bumagsak sa unan ng natutulog na bebot

Nakaiwas kay kamatayan ang isang babae sa British Columbia, Canada matapos bumagsak ang isang meteor sa kanyang unan habang siya ay natutulog.

Ayon sa ulat ng The Mirror nitong Lunes, kinilala ang babae na si Ruth Hamilton.

Bigla na lamang umanong nagising si Hamilton dulot ng isang malakas na ingay.

Nagulat na lamang daw siya ng mapansin niyang may mga alikabok na siya at may isang bato sa kanyang unan na kasing-laki ng kamao. May butas rin ang kanyang bubong.

Agad na tumawag si Hamilton sa awtoridad na agad na nag-imbestiga at napag-alamang meteor pala ang bumagsak sa kanyang kinahihigaan.

“We called the Canyon project to see if they were doing any blasting and they weren’t, but they did say they had seen a bright light in the sky that had exploded and caused some booms,” pahayag ni Hamilton.

“I was shaking and scared when it happened. I thought someone had jumped in or it was a gun or something. It’s almost a relief when we realised it could only have fallen out of the sky,” dugtong pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?