103

By

Messi, Ronaldo tigpas na sa World Cup

Sharing is caring!

Dalawang greatest players of all time ang bigong makasulong sa 2018 World Cup.

Hindi nagawang buhatin nina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo ang kanilang mga koponan sa last-16 matches.

Natapos na ang pag-aasam ng dalawa sa kampeonato matapos tigpasin ng France ang Argentina at paluhain naman ng Uruguay ang Portugal.

Tinanggal ni Messi ang kanyang captain’s armband, lumabas ng field papuntang tunnel at hindi na lumingon pa matapos ang upset loss ng Argentina sa France, 4-3.

Binigay na ni Messi ang lahat ng makakaya kabilang ang dalawang assists pero hindi ito naging sapat dahil malagkit ang naging depensa sa kanya sa first half at second half.

Samantala, katulad ni Messi, hindi rin naiwasan ng Portugal ni Ronaldo na matalo sa last 16 matapos dalawang beses silang iskoran ni Edinson Cavani at walisin ng Uruguay, 2-1. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?