13
views

By

Messi nagising, Argentina sinakmal ang Nigeria, 2-1

Sharing is caring!

Nagising na rin si Lionel Messi, pero ang late goal ni Marcos Rojo ang sinakyan ng Argentina para pumasok sa round of 16 ng World Cup sa Russia.

Tinalo ng Argentina ang Nigeria 2-1 sa 86th minute strike ni Rojo at naihulma ang knockout round matchup nila sa France na umusad sa Group C sa bisa ng 0-0 draw kontra Denmark.

Haharapin ng winner ng France-Argentina match sa Kazan sa June 30 ang mananalo sa tapatan ng Uruguay at Portugal sa Sochi.

Sa kabilang side ay natoka ang Denmark sa Croatia na umabante na sa Group D bago pa ang 2-1 win kontra Iceland. Posibleng makatagpo ng alinman sa dalawa ang Spain o Russia sa quarterfinals.

Nakawala si Messi at natagpuan ang net sa 14th minute para ibigay sa two-time champion Argentina ang lead sa must-win game nila kontra Nigeria nitong Martes sa St. Petersburg.

Ibinuhol ni Victor Moses ang iskor sa 1-1 mula sa penalty spot sa 51st, at nanganib ang maagang exit ng Argentina.

Sa 86th, bumagsak sa harap ni Rojo ang bola at ibinaon ng center back ang hindi-akalaing goal.

Si Messi pa rin ang star ng Argentina, dominado ng jersey No. 10 niya ang fans na pumuno sa stadium.

Sinambot ni Messi ang pasa ni Ever Banega gamit ang hita, hindi pinabagsak sa field ang bola ay tinapik ng kaliwang paa bago sinipa ng kana papasok sa top corner ng goal. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?