29

May 24, 2020 @ 19:15
By

Messi, La Liga magbabalik na sa Hunyo

Matapos payagan ni Prime Minister Pedro Sanchez ang pagbabalik ng sports competition sa Spain, inaasahan na magbabalik aksyon na si football superstar Lionel Messi at ang La Liga sa Hunyo.

“The resumption of major professional sporting competitions and, in particular, La Liga will be allowed from the week of June 8,” saad ni Sanchez sa isang televised address.

Matatandaan na na-suspende ang La Liga noong Marso 12 matapos ma-quarantine ang koponan ng Real Madrid.

Ikinagalak naman ni league president Javier Tebas ang anunsyo.

Tweet nito, “We are very happy for the decision, it is the result of the great work of clubs, players, technicians…CSD (National Sports Council) and agents involved,”

“But we cannot lower our guard, it is important to follow health regulations and ensure the pandemic doesn’t come back.” dagdag pa ni Tebas.

Samantala, hangad naman ni Tebas na ibalik ang football matches ng La Liga sa Hunyo 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?