225
meryll
Jun 2, 2018 @ 12:11
By

Meryll kinampihan ang mister na rapist

Ibinahagi ni Meryll Soriano sa Tonight with Boy Abunda ang kasiyahang makatrabaho muli si Judy Ann Santos-Agoncillo sa teleserye na Starla.

“I’m very excited to work with her (Judy Ann) because the last time I worked with her was in ‘Ploning’ and that was ten years ago,” kuwento niya.

Bukod kay Juday, ikinagagalak niya maging parteng muli ng isang obra mula sa Dreamscape matapos mapabilang sa hit action serye na La Luna Sangre ng Star Creatives.

“I shot my first taping day last week and super excited ang lahat. I’m so excited to be back with my Dreamscape family, and do a family-oriented TV show,” saad ni Meryll.

Gaganap siya sa nasabing serye bilang isang nanay sa batang may sakit at makakasama rin niya ang itinuturing niyang best actor ng industriya na si Joel Torre.

Ngunit bago pa man siya mapanood sa serye, bibida muna si Meryll Soriano bilang si Marie, isang inang pinagtakpan ang ginawang pangagahasa ng kanyang asawa, sa unang handog ng Ipaglaban Mo para sa ikaapat nitong aniberseryo ngayong Sabado (Hunyo 2).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?