128

By

Mercado ikakadena si Brownlee

Sanay na si Sol Mercado na bumibiyahe sa playoffs kasama ng Ginebra.

Mula 2015, nakatatlong kampeonato si Mercado sa Gins – 2016 Governors, 2017 Governors at 2018 Commissioner’s Cups.

Balik sa semifinals ng Governors Cup si Mercado, pero ‘di na sa Ginebra.

Makakatapat pa niya ang dating team na nag-trade sa kanya.

Nitong June, pinamigay ng Gins si Mercado kasama nina Jervy Cruz at Kevin Ferrer sa NorthPort kapalit ni Stanley Pringle.

Ngayon, Gin Kings at Batang Pier ang magsasalpukan sa semis ng season-ending conference, babasagin ang best-of-five mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Galit-galit muna sina Mercado, Cruz at Ferrer at mga naiwan nilang kaibigan sa Ginebra.

‘Di na rin magiging kapasahan ni Mercado ang resident import ng Ginebra na si Justin Brownlee – babantayan na niya.

“Hope I get the opportunity to guard Justin, ‘coz me and him always go back and forth,” natatawang pahayag ni Mercado nang pumalaot sa final four ang No. 8 NorthPort tapos silatin ang No. 1 NLEX sa quarters.

“I used to guard him in practice and, you know, always going at it. I mean obviously he’s one of my best friends, we try to go at it a little bit.”

Kabisado rin ni Mercado ang tikas ng dati niyang coach sa Ginebra na si Tim Cone.

“It’s gonna be fun,” aniya sa matchup. “Obviously, coach Tim is the best to do it. So we have to be really well prepared against ‘em and take one game at a time, try and battle ‘em each game.”

Tulad nina Mercado, Cruz at Ferrer, makikipaglaglagan din si Pringle sa dati niyang team. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?