16

Apr 8, 2021 @ 20:32
By

Meralco tiniyak na wala nang ‘bill shock’

Siniguro ng Meralco na kahit ipinatupad muli ang enhanced community quarantine (ECQ) ay hindi na mararanasan ang nangyaring “bill shock” noong nakaraang taon.

Sa virtual press conference, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na nangyari lamang ang “bill shock” dahil naipon ang konsumo ng mga kostumer matapos hindi nakapagbasa ng metro.

“Ang bill shock kasi nangyari ‘yan last year kasi matatandaan mo tatlo hanggang apat na buwan ng cumulative consumption ang nangyari dahil hindi tayo nakabasa,” saad ni Zaldarriaga.

“This year, dahil tuloy-tuloy naman ang pagbabasa ng readers natin… As to the bill shock comparative to last year, hindi na po mangyayari,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?