17

May 30, 2021 @ 14:44
By

Meralco tinapyas online, app convenience fee sa P15

Inanunsyo ng Meralco ang pagbabalik ng kanilang convenience fee para sa pagbabayad ng bill gamit ang kanilang mobile app at online.

Simula June 1, ibabalik ang kanilang convenience fee pero sa binabaang rate na P15 mula sa P47.

“Starting June 1, convenience fees in Meralco online and mobile app will be reinstated but at the reduced rate of P15 (from P47) per transaction, even when paying multiple bills in one transaction,” pahayag ng kompanya.

Dagdag nito, sa Meralco Online makapagbabayad ng bills sa tamang oras nang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay.

Anang Meralco, mapupunta ang bayad sa kanilang mga payment partner.

Matatandaang noong nakaraang taon ay ini-waive ng Meralco ang kanilang convenience fees dahil sa lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?