82

By

Meralco sure na sa twice to beat, pinadapa ang NorthPort

Nagtala si Antonio Jose ‘Anjo’ Caram ng career game upang balikatin ang Meralco sa pagtaob sa NorthPort, 103-89, sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019i-2020 eliminations Linggo ng gabi sa sa Ynares Center, Antipolo City

Bumuga si Caram ng 30 points kalakip ang 8 rebounds at 4 steals upang itulak ang Bolts sa fifth straight win para sa 8-2 win-loss record sa pagsolo sa second spot, nakatabla ng playoff sa top two spot na may twice-to-beat sa quarterfinals.

“I want to thank God for the win. My role for this team is to relieve Baser (Amer). I don’t think of the points. I just want to help the team. Our goal is to help each other. We take pride of what we do. We just want to stay with our game plan,” litany ni Caram, na inialay ang magandang laro sa asawa at bagong silang na anak na si Baby Page.

Nakabalik sa game si Amer mula sa strained groin na nagpaliban sa kanya sa laban ng Bolts kontra Columbian nitong Biyernes.

Ilang beses na isinalba ni Caram ang Bolts kung saan ipinasok nito ang isang tres tapos lumapit ang Batang Pier sa 84-80 bago ipinasok ang isa pang tres sa natitirang 40 segundo upang siguruhin ang panalo ng Bolts.

“His play remind me or our game in Vegas,” nasambit ni Meralco coach Norman Black kay Caram. “He is really a good player and he work out a lot. In that game against some squads, he has been burning the hoops and shot all over the place. We have to give credit to his game.”

Itinala ng Bolts ang pinakamalaking 12 puntos na abante sa third period sa 84-72 bago ang unti-unting dumikit ang Batang Pier na bumagsak sa sa 3-6, pinabuhol sa kanila sa eight place ang Alaska Milk, nagpatagilid sa tsansa sa playoffs.

Napatalsik sa laro si Christian Standhardinger sa huling minuto tapos mapatawan ng ikalawang technical foul.

Ang iskor:

MERALCO 103 – Caram 30, Durham 26, Newsome 17, Almazan 8, Pinto 8, Maliksi 6, Faundo 4, Hugnatan 2, Amer 2, Quinto 0, Jackson 0, Jose 0, Hodge 0, Jamito 0.

NORTHPORT 89 – Qualls 27, Standhardinger 20, Anthony 19, Mercado 9, Lanete 8, Taha 3, Ferrer 3, Elorde 0, Cruz 0, King 0, Escoto 0.

Quarters: 20-23, 50-45, 72-69, 103-89.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?