Meralco

Meralco, pinagpapaliwanag ng DOE sa dagdag-singil sa Pebrero

Sharing is caring!

Hinihingan ng paliwanag ng Department of Energy (DOE) ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa anunsiyo nitong pagtataas sa singil sa kuryente sa susunod na buwan ng Pebrero.

Gustong malaman ng kagawaran kung paano kinuwenta ng Meralco ang idadagdag at magkano ito.

Base sa inisyal na anunsiyo ng electric company, magpapatupad sila ng dagdag P0.08 sa bawat kilowatt hour (kWh) sa February bill.

Bunsod umano ito ng excise tax rates sa produktong petrolyo gaya ng diesel at coal na ginagamit ng mga planta ng kuryente at muling pagpapataw ng value added tax sa transmission charges.

Ang nasabing pagtataas ay mangangahulugan ng P16.16 na dagdag sa bayarin sa elektrisidad ng mga tahanan na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Bukas naman umano ang Meralco para himayin sa DOE ang pinagbatayan nila ng pagtaas na may kinalaman sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?