27

Jun 15, 2020 @ 18:56

Meralco online fee pinakakalkal sa ERC, BSP

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa Manila Electric Company (Meralco) na bigyan ng insentibo ang mga kustomer na gumagamit ng online transaction.

Nauna nang ini-waive ng Meralco ang P47 convenience fee sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) subalit inihayag ng distribution utility na itutuloy nila ang pagkolekta sa fee sa mga kustomer na nagbabayad online.

Ito’y matapos magbukas na ang mga payment at business centers sa Metro Manila at iba pang kalapit ng lungsod.

“The 47 peso-convenience fee is a disincentive for consumers moving online. Why will Meralco resume collecting 47 pesos from every household when many of our ordinary kababayans have just returned to work trying to recover financial losses? This should not happen! The public has been inconvenienced enough,” pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate Energy Committee.

Nauna nang nilinaw ng Meralco na hindi napupunta sa kanila ang convenience fee kundi sa payment gateway na ino-operate ng isang online third-party service provider.

Dahil dito, hinikayat ni Gatchalian ang ERC at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na imbestigahan ang fee na ipinapataw ng third-party service providers.

Bagama’t ni-relax na ang community quarantine, sinabi ni Gatchalian na nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic at karamihan sa mga kustomer ay hindi mapaunta sa mga business center dahil sa limitadong transportasyon.

“Baka nakakalimutan ng Meralco na nandyan pa rin ang banta ng COVID-19 sa kalusugan ng bawat mamayan sa kabila ng pinaluwag na quarantine,” ani Gartchalian.

“Kaya nga natin sinusulong ang paggamit ng online platforms sa pagbayad ng mga bills ay upang hindi na lumabas ng bahay at makipagsapalaran sa mga bayad centers at iba pang establisyemento ang mga tao, pagkatapos ay pababayarin din pala sila ng dapat na pang serbisyo publiko na lang. Huwag nating pahintulutan ito,” dagdag pa nito.

Samantala, sinuportahan ni Gatchalian ang ERC sa pag-isyu ng show cause order laban sa Meralco dahil hindi pagsunod sa kanilang advisory kung hindi nito pinaliwanag mabuti ang salitang ‘estimate’ sa bill gayundin ang installment payment. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?