7

Meralco napundi, Alaska tinabla ang serye

Sharing is caring!

“Now it’s a best-of-three,” ani coach Alex Compton, matapos makaganti ang Alaska Aces sa Meralco Bolts, 100-95 sa kanilang bakbakan sa MOA Arena.

Tabla ang dalawang koponan para sa PBA Governors Cup semifinals, 1-1.

Nakatakdang magharap muli ang dalawang team sa Huwebes para sa Game 3 na gaganapin sa Cuneta Astrodome.

Nanindak pa ng 3 points si Chris Newsome para gawing 96-95 ang iskor ilang segundo sa huling quarter. Pero kalmadong nagsalpak ng tig-dalawang free throw sina JVee Casio at Simon Enciso para selyuhan ang panalo.

Isa lang sa 20 biyahe sa stripe ang naimintis ng Alaska galing kay Vic Manuel at mula 0 for 17 shooting sa 3-point range noong opener, 8 for 19 ang Aces.

Nagbigay din ng 37 points at 19 rebounds ni Mike Harris ang Alaska, habang tumapos ng 23 si Enciso na 5 for 8 sa labas ng arc.

Nagkaroon ang Alaska ng 22 points mula sa 26 turnovers ng Bolts.

Nanindak pa ang Bolts 92-90 sa fastbreak slam ni Durham 50.9 seconds na lang, sumagot naman ng basket sa kabila si Harris 32.4 seconds na lang.

May 24 points si Allen Durham sa Bolts, nagdagdag si Nico Salva ng career-high tying 20 points pero hindi na umiskor sa fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?