109

Jun 19, 2020 @ 15:49

Meralco-MVP mahiya kayo! – Ross

Hindi nakaligtas kay Philippine Basketball Association (PBA) star Chris Ross ang hagupit ng biglang pagtaas ng bill ng Meralco gaya nang matagal nang nirereklamo ng mga konsyumer.

Dismayado rin ang San Miguel Beer point guard dahil hindi lamang doble, triple, kundi limang beses ang tinaas ng bill ng napakaraming consumer ngayong panahon pa man din ng Covid-19 pandemic.

“So seems like I’m not the only one @meralco is overcharging! Even the people that have paid on time every month since lock down! What’s going on with your company!” giit ng two-time PBA Finals MVP.

Kinastigo rin niya ang kompanyang pinatatakbo ni Manuel V. Pangilinan na nasa pro league rin at namahala rin sa NLEX at TNT KaTropa.

“So @meralco taking advantage of people during a pandemic. Crazy! Charging people 5 times of what their usual bill is. You should be ashamed of the way y’all are doing business!” hirit ng 35-year-old, 6-foot-1 cager.

Sunod-sunod din ang retweet ng SMB player sa mga reklamo sa social media tungkol sa ‘bill shock’ ng electric distribution company.

Maging iba pang mga lugar na nasa ilalim ng Meralco inupakan na rin ang Meralco, pinagpapaliwanag na rin ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Tengga pa ang Beermen dahil sa hindi pa maituloy ang 45th PBA 2020 season dahil sa lockdown mula sa coronavirus disease. (Raymark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?