72

Mar 17, 2020 @ 18:59
By

Meralco inutusang magbigay ng 30-araw na extension sa bills payment

Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company ni Manny V. Pangilinan at iba pang mga distribution utilities sa Luzon na bigyan ang kanilang mga customer ng isang buwang extension para sa pagbabayad matapos isailalim ang Luzon sa mas mahigpit na lockdown.

Sa isang pahayag, sinabi ng ERC na ang one-month extension ay para sa mga customers na ang bill ay due sa March 15, 2020 hanggang April 14, 2020.

Inutusan din ng ERC ang mga generation companies na may power supply agreement sa Meralco at iba pang DUs sa Luzon, ang mga may kontrata sa National Grid Corp. of the Philippines, at market operator na i-extend din ang bayaran ng 30 araw nang walang interes at penalty.

Sabi ng ERC, magbibigay ito ng 30 araw na extension mula Abril 14, 2020 para sa mga magsusumite ng pleadings at iba pang submission pati na ang payment ng mga permit fees dito at iba pa.

Dagdag nito, magbibigay din ng 60-day extension ng expiry ng mga certificates of compliance, provisional authority, certificates of authority at iba pa na mag-e-expire sa panahon ng lockdown period.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?