28

Jul 6, 2020 @ 14:50
By

Meralco costumer na nagbayad nang buo, pwedeng mag-refund

Bagama’t entitled ang mga konsumer ng Meralco na magbayad ng installment subalit nagbayad na nang buo, maaari rin nila itong i-refund.

Ito ang inihayag ni Meralco CEO at president Ray Espinosa sa pagdinig ng Senate committee on energy.

“Doon po naman sa mga nagbayad in full ng kanilang bill, bagama’t sila ay entitled sa installment plan na six or four installments, meron din po kaming advisory na kung nagbayad kayo at gusto n’yong mag-installment plan, ire-refund po ng Meralco lahat ng binayad n’yo,” pahayag ni Espinosa bilang sagot sa tanong ni Senadora Risa Hontiveros.

Ang mga kuwalipikadong mag-refund ng bill ay makakatanggap ng liham na nagsasaad ng itemized na installment.

SInabi pa ni Espinosa na ang mga nagbayad na sa pamamagitan ng credit card ay sakop ng refund.

“Pati ‘yun ay sinasaklaw nung aming advisory na kung nagbayad na kayo in full nung bills n’yo na dapat babayaran n’yo in installment, ire-refund po namin ‘yan. At padadalhan namin kayo ng bagong sulat,” sabi pa nito sa pagdinig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?