20

Oct 13, 2021 @ 18:25
By

Meralco buhay pa! Naka-pwersa game six

May natitira pang kuryente sa Meralco Bolts at napwersa ang game six matapos ang 102-98 panalo kontra Magnolia Hotshots ngayong Miyerkoles sa game five ng kanilang semis series.

Baon sa serye, 1-3 ang Meralco sa pagsisimula ng laban ngunit ‘di bumigay sina Allein Maliksi, Nards Pinto at Chris Newsome at pare-parehong umiskor ng mahigit 20 points para buhatin ang Bolts.

Tumapos si Malksi ng may 29 points tampok ang ilang krusyal na tres sa fourth quarter, habang may 23 points si Newsome at career-high 24 points para kay Pinto.

Malaking tulong din ang pagbabalik ni Raymond Almazan mula sa ankle sprain at nag-ambag sa kanyang nine points, 10 rebounds, kabilang ang dalawang free throw sa dulo ng laban.

Nanguna naman para sa Hotshots si Mark Barroca na may 25 points, habang apat pa niyang kakampi ang umiskor sa double digits.

Muling tatangkain ng Meralco na mapahaba ang serye sa Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?