46

Nov 21, 2021 @ 17:58
By

Meralco Bolts naghagilap bagong import

Hindi matutuloy ang pagdating sa PBA ng dating NBA player na si Shabazz Muhammad.

Si Muhammad, na kukunin sanang import ng Meralco Bolts para sa gaganaping Governor’s Cup, ay umatras dahil sa personal na dahilan.

Malaki sana ang maitutulong ni Muhammad sa Meralco, dahil isa itong 14th overall pick noong 2013 draft – nauna pang kunin bago si Giannis Antetokounmpo.

Bilang kapalit, kukunin ng Bolts si Tony Bishop.

“We wish Shabazz the best in dealing with his family matters, and we are looking forward to welcoming Tony Bishop as our import for this conference,” pahayag ni team manager Paolo Trillo.

Hindi rin naman pahuhuli si Bishop sapagkat beterano na ito sa mga professional league sa Denmark, Lithuania, Romania, Puerto Rico, at Germany.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?