25

Jul 6, 2020 @ 15:40
By

Mensahe sa bayan ni Duterte, gagawin sa Davao

Sa Davao City gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang regular na mensahe sa bayan kaugnay sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa COVID crisis.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos tanungin kung muling magsasalita sa bayan ang Presidente.

Ayon kay Roque, gagawin ngayong Martes ang nakagawiang mensahe sa bayan ng Presidente para iulat sa mga Pilipino ang mga ginagawa ng gobyerno para makabangon sa epekto ng COVID crisis at sa patuloy na pagtulong sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

“Kailan ang susunod na mensahe ng ating Pangulo? Martes po galing sa siyudad ng Davao,” ani Roque.

Kabilang sa inaabangan ng publiko mula sa Pangulo ay ang status ng community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa batay sa pagsunod ng mga tao sa mga ipinatutupad na security protocols laban sa COVID-19.

Kasalukuyang nasa Davao City ang Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?