13

Jul 11, 2021 @ 17:31
By

Men’s volley league bubuksan ng PNVF

Tangka ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na ilunsad ang Champions League para sa men’s volleyball sa Setyembre.

Ang balak ng PNVF ay idaos sa isang bubble set-up ang torneo mula Setyembre 19 hanggang 26. Ang Laoag City at ang San Fernando, Pampanga ang ilan sa kanilang pinagpipiliang venue.

Ang huling professional league sa men’s volleyball ay ang Spikers Turf na ginanap noong 2019 pa.

“It is also one of the PNVF’s 10-point agendas which is to serve Filipino families with entertainment through volleyball and to make volleyball a widely played sport by elevating it through high-performance competition,” pahayag ni PNFV president Ramon Suzara.

Sa ngayon daw ay nasa walong koponan na ang nagpahayag ng intensyon na sumali sa Champions League.

Hanggang Setyembre 1 pa pwedeng magpasa ng lineup ang mga interesadong koponan na kailangan ay may 20 manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?