12

Dec 3, 2020 @ 14:16
By

Menor de edad sa Metro Manila bawal dumalo sa Simbang Gabi

Bawal makiisa sa Simbang Gabi ngayong taon ang mga menor de edad sa National Capital Region dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, Huwebes, nagkaisa ang 17 alkalde sa Metro Manila na hindi nila papayagang lumabas ng bahay ang mga menor de edad para sa non-essential purposes, kabilang ang pagpunta sa mall.

“Definitely po, bawal din sa Simbang Gabi [ang mga menor de edad],” ayon kay Garcia sa isang public briefing, Disyembre 3.

Matatandaang edad 18 hanggang 65 lang ang pinahihintulutang lumabas ng bahay ng mga alkalde sa Metro Manila kahit pa edad 15 hanggang 65 na ang pinapayagang lumabas ng bahay ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Una nang iniklian ang curfew hours sa rehiyon mula hatinggabi hanggang alas-tres ng umaga para bigyang-daan ang mga dadalo sa Simbang Gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?