41

Nov 30, 2020 @ 22:36
By

Menor de edad puwede sa mall kung kasama magulang – Año

Maaari nang makapasok sa mga mall ang mga menor de edad basta’t sasamahan sila ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, Lunes ng gabi.

Sa televised briefing, sinabi ni Año na ito ay bahagi ng hakbang para sa unti-unting pagpapalawak ng age group na pinapayagan na lumabas habang patuloy na nakikipaglaban sa coronavirus pandemic ang bansa.

“Para na rin sa Kapaskuhan ay doon sa ipinag-utos nating puwede nang gradual expansion ng mga age group para makalabas ang mga minors basta accompanied ng mga magulang ay papayagang makalabas at magpunta sa mall,” pahayag ni Año.

“Ito ay pagtitibayin sa mga ordinansa ng ating mga NCR mayors sa lugar ng GCQ,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?