265

Jan 21, 2021 @ 14:33
By

Menor de edad, pinagsamantalahan ng nobyo ng kanyang ate

Ginahasa ang isang 16-anyos na babae ng kinakasama ng kanyang ate sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ayon sa ulat, nahuli ng bunso nilang kapatid ang ginawang panggagahasa sa biktima at isinumbong ito sa kanilang ama.

Napag-alaman na Marso pa ng nakaraang taon nang abushin siya ng kinakasama ng kanyang ate.

Ayon sa suspek, hindi siya agad nakapagsumbong dahil sa pagbabanta ng lalaki at pagtutuok ng patalim sa kanyang leeg.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?