215

Nov 6, 2021 @ 15:21
By

Menor de edad bawal pa sumakay sa jeep, bus, tren

Bawal pang sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga menor de edad sa National Capital Region o Metro Manila kahit kasama pa ng mga ito ang kanilang magulang o guardian.

Sa public briefing, sinabi ni Transport Assistant Secretary Manuel Gonzales, na wala pang mga panuntunan na inilabas hinggil dito.

“For the past two days, pinagbabawal po ng IACT, ng mga enforcers natin na magdala ng bata, na magsakay kasi po wala pa namang guidelines dito ang ating pamunuan sa transportasyon,” paliwanag ni Gonzales.

“So ‘yung mga senior o ‘yung mga may dalang bata, hindi pa po natin pinasasakay dahil bawal pa nga po ‘yung mga bata for the past two days na ini-implement natin itong 70 percent,” patuloy niya.

Matatandaang nasa ilalim ngayon ng Alert Level 2 ang Metro Manila kung saan pinayagan na ang mga menor de edad na gumala gaya sa mga mall.

Itinaas din sa 70 porsiyento ang bilang ng mga maaaring isakay sa mga PUV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?