15

Nov 25, 2021 @ 23:40
By

Meneses, Angels binagahe bronze

Nanalasa si Marivic Velaine ‘Ria’ Meneses ng 19 points upang tisurin ng Petro Gazz ang Tuguegarao, 25-11, 26-24, 19-25, 25-20, at maiuwi ang bronze medal ng 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League Huwebes sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Tinapos ng Angels ang six-team, 6-day tournament sa 3-2 win-loss samantalang pinagsalyahan ang Perlas Spikers sa pang-apat na puwesto sa 2-3 mark.

Kasabwatan ni Meneses sina Frances Xinia ‘Ces’ Molina na naka-14 points, Grethcel Soltones na may 11 markers at Jessey De Leon na nagtala ng 10.

Kapos naman para sa Spikers ang 16 pts. ni Heather Guino-o at tig-13 nina team skipper Michelle Morente at Nicole Anne Tiamzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?