51

By

Mendegoria: National Skateboarding Championship titikada sa July 13

Magkakasukatan ng husay at abilidad ang mga tinanghal na regional champion mula Luzon, Visayas, Mindanao katapat ang mga pambato sa Asia Pacific sa pagsambulat ng 2019 Go for Gold National Skateboarding Championships ngayong Sabado ng hapon, Hulyo 13 sa Backyard Skatepark sa Tacapo sa Sta. Rosa, Laguna.

Paglalabanan sa unang edisyon ng kampeonato ang mga silya sa pambansang koponan pati na rin ang karapatan na mabitbit ang bandila ng bansa sa ikaapat na pagtataguyod sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Sinabi ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) president Monty Mendegoria nitong Biyernes, na maliban sa pagiging national champion, mapapabilang din ang mga magwawagi sa developmental pool ng bagong sports na makakasali sa unang pagkakataon sa SEA Games at sa 2020 Tokyo Olympics.

“The prestige, honor and the title of being the national champion will be at stake in 2019 Go for Gold Skateboarding National Championships this Saturday at Backyard Skatepark,” ani Mendegoria. “All the regional champions from Luzon, Visayas, Mindanao and some Filipino skaters from the Asia Pacific region compete against each other.”

Dumating sa bansa ang mga propesyonal na skater na sina Jaimie Foy at Franky Villani kasama ang NB Numerics skate team na magsasagawa ng demonstration sa mga galaw at itinakdang meet and greet.

Makakasama ng mga Pro skateboarder ang Sanggoe Dharma ng Indonesia ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal at iba pa.

Sina Jaimie at Franky ay inimbitahan ni NB Numeric brand manager for Asia Pacific at Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. external VP Anthony Claravall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?